#APECted much

Just got home from Las Piñas. It is indeed an unforgettable way to end my day. Grabe! Still in awe until now haha!

*start*
Since Coastal Road was shutdown for APEC, dumaan kami thru Tambo, Parañaque going to Makati. Pagdating ng MIA intersection, may MMDA na nag-signal sa'min thru his flashlight na pwede dumaan dun. PATI na rin sa SB lane ng Roxas Blvd. therefore, nag-counterflow kami with their consent.

Ang nakakalokang part dun dahil nga naka-counterflow kami at nakikita naming kami lang ang sasakyang nandun, ang bagal ng takbo namin dahil alam naming naka-shutdown pa nga yung Roxas Blvd. Parang nasa 'I am Legend' o 'The Walking Dead' lang ang peg namin at wala talagang ibang private vehicles na nandun at parang may bigla na lang lalabas na zombies sa paligid haha!

Hanggang sa merong naka-motor na MMDA officer na nakakita sa'min at nagtanong. (Si Kuya may take home pa atang chikababes. Kaloka!) Kinausap naman namin siya nang maayos at sinabing pinapasok kami dun sa lane. So tinanong na lang namin siya kung pa'no kami makakalabas - and thru Airport Road NB lane na lang daw kami dumaan. After nun, nakalabas din kami ng EDSA Pasay (Heritage) hanggang makarating sa Pasong Tamo.
*end*

Na-amaze lang talaga kami sa kakaibang pakiramdam na wala kang ibang kasabay na sasakyan sa isa sa major roads na may pinakamatinding traffic sa Metro Manila - Roxas Blvd. Baclaran. Sobrang weird pero at the same masaya rin yung experience hahaha!

It's not everyday that you can experience something like this. This one's for the books!

PS. Always obey traffic rules. But sometimes, some traffic enforcers might lead you in the wrong way. Hehe! Napagod at napuyat lang talaga siguro kaya ganun. But overall, successful naman ang pagdaos ng APEC dito sa Pinas. :-)

Comments

Popular posts from this blog

Double "First Time" Celebration

A First Father's Day to Remember

Tokyo SkyTree and Hello Kitty (Day 3 - Part 1)